My mother has a serious lending problem
No, hindi siya yung may utang. Siya ang nagpapautang.
Nagpautang na siya ng milyon dati, na inutang niya lang din sa bangko. Which she already paid off. Nagsimula sa 300k, hanggang sa nagpatong-patong, naging 1m.
Hindi niya nasingil. Nung huling pinabarangay, naging 1k a month na lang naging bayad. Tapos ewan, nachugi yata yung nangutang.
Ngayon, retired na siya. Marami siya ipon. Walang negosyo, except pagpapautang. Recently, nagpautang ng 400k, nakasanla ang titulo ng lupa. Ayoko. Sabi ko, kumalma ka, isipin mo risk mo kumpara sa kikitain mo. Hindi nakinig at ginuilt trip pa ako kasi ayoko sumama, nagpapasama pa sa mismong bahay na nakasaad sa titulo.
Aba, sumunod na month, nagpautang pa 100k. Tapos sumunod, nagpautang pa 50k. Pota. Kako, nagayuma ka ba o ano? Nalagasan ka na dati ng 1m, uulitin mo pa? (What fucking lesson do you need to learn? Also, may konting knowledge lang ako sa legal kaya ako nataatasan ngayon mag help sa drafting ng promissory notes, pero nakakagalit na matipid siya tas pinapautang na malaki risk. Na para bang madali maningil ng ganon kalaki, di rin naman guaranteed yang porke sa yo nakasanla titutlo, matic sa yo? Hindi gano'n 'yon.)
Tapos pag pinapagalitan ko, sinabi niya sa partner ko na nasasaktan siya. Napipikon pa nga na nakikinabang naman daw ako sa mga kinikita niya sa pagpapautang. Dafak.
Seriously, what the hell is wrong with people like them? Naging greedy sa expected kita? I want to fucking give up and not help her at all.
Posted Aug 29, 2026, 1:30 PM UTC