5 OLAs paid off na after I decided to stop the tapal system last August 17

30F here. Update lang kasi baka may same situation sakin here and baka makatulong kahit konti.

Last August 17, nagdecide talaga ako na stop na. As in stop na talaga yung tapal system.

Kasi before, sobrang obsessed ako na dapat current lahat. Kahit wala na akong enough cash, basta may due, hahanap ako ng way. Tapos minsan syempre yung way is another loan na naman. Then babayaran yung isa. Tapos may bagong due na naman after ilang days. Then repeat.

Hanggang narealize ko na parang hindi naman nababawasan yung utang ko 😭 nililipat ko lang sya from one app to another.

So ayun. I stopped.

And sobrang scary nung first few days. Hahahahaha. Kasi dun na nagsimula yung mga overdue ko.

Naexperience ko din yung harassment. May agents na nagcomment sa posts ng friends ko, may gumawa ng GC, may emails, messages, threats, kung anu-ano.

At first sobrang terrified talaga ako.

Mainly because hindi pa alam ng mama ko and ng boyfriend ko yung situation ko.

Ako kasi yung type na pag may problema, gusto ko akuin lahat. Parang iniisip ko na, ako naman gumawa neto so ako din dapat magfix. Tapos syempre natatakot din ako na ijudge nila ako. Especially silang dalawa talaga.

Takot ako na madisappoint si Mama.

Takot din ako na baka iba na tingin sakin ng boyfriend ko.

So for a while, ako lang talaga lahat. Hahahahaha. As in kinikimkim ko.

Pero eventually nalaman nila pareho.

And grabe, parang dun talaga gumaan.

Kasi mali pala talaga ako.

Hindi nila ako jinudge.

Hindi nila ako tinalikuran.

Hindi nila ako pinamukha na ang tanga ko for ending up in this situation.

My boyfriend listened, hugged me, and offered to help.

Si Mama din, nandyan lang.

And parang dun ko narealize na ahhhhhh, ito pala talaga yung sinasabi na yung mga taong totoong nagmamahal sayo, they really stay through thick and thin.

Parang after nilang malaman, medyo nawalan na rin ako ng pakialam sa sasabihin ng iba. Hahahahaha.

Kasi sila naman talaga yung pinakaimportante sakin.

If okay kami, if alam nila yung totoo, if nandyan sila, parang bahala na yung random collectors or kung sino man yung may masasabi.

Hindi ko naman sinasabi na easy na after that.

Hindi talaga.

May consequences talaga yung decisions natin. Kahit iba-iba yung reason natin bakit tayo napunta dito. Pwedeng emergency, business, tapal, bad decisions, overconfidence, desperation, whatever.

Pero at some point, kailangan talaga natin harapin yung consequences.

For me, kasama dun yung pagtanggap na yes, may mga accounts na mao-overdue talaga.

Kasi narealize ko din na mas okay nang may overdue kaysa mangutang na naman ako ulit just to keep everything current tapos lalo lang lalaki yung problema.

So ngayon, deadma muna talaga sa unnecessary noise.

Yung isang phone ko na andun yung number na registered sa OLAs, naka-DND halos palagi.

Locked yung FB profile ko.

Hindi na ako nagchecheck lagi ng spam sa email. Naglagay ako ng filter words so yung mga collection emails matic spam na, hindi na sila nag-aappear sa main inbox ko.

Hindi na rin ako naghahanap ng posts about me.

Kasi narealize ko na wala naman akong mapapala sa pagconsume ng lahat ng yan everyday. Lalo lang ako mastress.

If may kailangan akong bayaran, babayaran ko pag kaya.

If may kailangan akong ayusin, aayusin ko.

Pero yung mga pananakot and pamamahiya, ayoko nang gawing buong araw ko.

And so far...

5 OLAs paid off na. 😭

Hahahahahaha honestly sobrang satisfying nung magbabayad ka tapos uninstall agad.

As in goodbye.

Wala nang reloan.

Wala nang “sayang yung available limit.”

Wala nang “last na to promise.”

Kasi ayun nga exactly yung reason bakit ako napunta dito in the first place. Hahahahaha.

From 12 OLAs, 7 nalang natitira ngayon.

6 of them overdue.

Yung JuanHand lang yung current.

Excluding GCash, Maya, Shopee and my credit cards ha. Separate sila and hindi naman ako overdue dun.

So yes, from 12 to 7.

And ang sarap lang makita na unti-unti talagang nababawasan.

Hindi pa ako debt-free obviously. Hahahahaha malayo pa.

Pero at least ngayon, every time may mababayaran ako, nababawasan talaga yung number ng apps.

Hindi na sya yung babayaran ko ngayon tapos uutangin ko ulit bukas.

And recently nagstart din ako maglagay ulit ng konting emergency fund.

Maliit pa talaga. Pero gusto ko kasi this time, habang nagbabayad ako ng utang, unti-unti din akong gumagawa ng buffer.

Kasi if babayaran ko lahat hanggang zero ako lagi, tapos may emergency ulit... eh di saan na naman ako pupunta?

Sa loan apps na naman.

Ayoko na talaga bumalik sa cycle na yun.

So ayun.

I guess yung point lang ng post ko is if nasa stage ka ngayon na nagstop ka ng tapal and sobrang gulo ng lahat, sobrang scary talaga sa umpisa.

Especially pag may harassment na.

Parang feeling mo lahat ng tao malalaman.

Parang feeling mo napahiya ka na forever.

Parang gusto mo nalang magtago.

Pero if may safe person ka, please tell them.

Hindi naman kailangan buong mundo alam.

Hindi mo kailangan iexplain sarili mo sa lahat.

Pero sobrang laking difference nung may kahit isang tao ka na alam yung totoong nangyayari sayo and hindi ka jinujudge.

And syempre, accountability din talaga.

May utang tayo, kailangan natin bayaran.

May choices tayo before na may consequences now.

Pero hindi ibig sabihin nun na kailangan din nating tanggapin na bastusin, ipahiya, or idehumanize tayo.

So ayun.

5 down.

7 to go.

Hahahahahaha.

Still in the middle of it, pero at least ngayon parang may direction na.

And for the first time in a while, feeling ko hindi na ako paikot-ikot.

Paunti-unti, lumalabas na talaga ako sa cycle.

And to everyone na nandito rin sa same situation, sana makalabas tayong lahat dito. Kahit hindi sabay-sabay, kahit paunti-unti lang, basta tuloy-tuloy.

Debt-free dust to all of us please hahahahahaha. ✨

And more than being debt-free, sana dumating tayo sa point na hindi na tayo takot sa bawat due date, hindi na tayo naghahanap ng panibagong loan para makaraos, and may enough buffer na tayo para hindi na bumalik sa ganitong cycle.

Financial stability for all of us.

Yung tipong may bills, oo, pero manageable.

May emergency, pero hindi katapusan ng mundo.

May pera na pumapasok and hindi lahat may nakapila nang kumuha.

Sana this time next year, babalikan natin yung mga posts natin ngayon and masasabi natin na:

“Grabe. Nandun pala talaga ako dati. Buti nalang tinuloy-tuloy ko.”

Rooting for everyone here na gusto talagang makalabas.

One payment, one closed account, one better decision at a time.

Debt-free dust and financial stability sa ating lahat. Hahahahahaha. Kaya natin to.

Posted Aug 31, 2026, 2:16 AM UTC

7251
Loading comments…