SKL For the longest, gusto ko pasakop sa dayuhan

For the longest time, lagi ko naiisip sana sinakop nalang tayo ng us. Sana hindi nalang nila binitawan ang pilipins.

Not until yesterday na may nakausap akong jowa ng family friend namin. His family is from Hawaii and napagkwentuhan namin sa table namin during lunch yung mga pagbaha na yan. Nasambit namin na sana sinakop nalang tayo ng tuluyan ng US. May easy access sana tayo sa passport nila. Di nya napigilan hindi sumabat, english syempre, pero ang context is :

Hindi nyo gugustuhin na masakop ng US dahil mawawala lahat ng pagkakakilanlan nyo. Culture, traditions, etc. look at hawaii now. May time daw na bawal aralin ang sariling culture ng hawaii ng mga local para siguro makalimutan talaga. Language, culture, they have nothing. Even ung pineapple sa pizza and burger na aloha na may pineapple is hindi naman daw native product ng hawaii. Even lands, di makabili ng land ang mga local ng hawaii dahil sobrang mahal ng lupa sa hawaii.

SKL, bansa natin toh, ipaglaban natin sa mga sarili natin. Tama na sa mga buwaya. Nakakagalit.

Posted Aug 31, 2026, 2:27 AM UTC

15866
Loading comments…