Gustong gusto ko nang makauwi
Andito kami nakatira ng Misis ko sa ibang bansa napetisyon nya ako almost a decade na andito din buong pamilya nya may anak kami isa,
unang punta ko palang dito ramdam ko na talagang may something special sa kung paano i-treat ng misis ko yung guy eh(pamilyado na din nasa pinas) pinapalagpas ko lang hinahayaan ko lang, madami naman akong pagkakataon para galawin ang mga accounts nya soc.med cp etc.. pero di ko ginawa ni minsan, until 1time nakita ko mga message ni guy sa misis ko nagchachat, hinayaan ko lang din ok lang naman magkakaibigan naman kami dito di naman siguro masama nagkakausap sila, lagi kasi kinukuha ng anak ko cp ng misis ko, naibaba ng anak ko yung cp na nasa page ng messages, ayos ah wala silang chat, deleted yung conversation nila, hmmm merong something, bakit kelangang idelete? since then pag may chance chinecheck ko soc.med nya, wala akong inaabutan na mga message, naisip ko sa call logs(via cp. no) mga deleted din pero may mga inabutan pa din akong mga logs ng usapan nila, bali lumabas netong nagdaang Aug lang sila nagtawagan? sa tinagal tagal nilang magkakilala at close friends pa, naisip ko sa SMS baka meron silang usapan, Boom ayun, hindi nakarehistro number ni guy sa misis ko, na confirm ko lang nung isang beses tumawag ako sumagot, pinicturan ko lang convo nila
ang sweet ng mga chat nila, kesyo ipagluluto daw ng misis ko si guy ng ganto ganyan, tapos ako paguutusan sa pagluluto pagbili ganyan, nakakapag request pa si guy sa kanya ng iluluto ah, sabi ko scout ko ulit to sigurado to buburahin to, ayun nga binura nakita ko, mag LQ pa yata sila huling message nila,
sabi ko sa sarili ko matibay ako handa ako sa kung anong mga mababasa ko, kasi pinaparamdam naman nya talaga sakin eh kaya sinasabi ko handa na ako ok lang sakin, pero nung nabasa ko mga lambingan na chat nila at misis ko pa mismo nag fliflirt dun sa guy nanikip dibdib ko, parang gusto kong sumabog, gusto ko sabihin sa pamilya nya, sa pamilya ko ang pinag gagawa nya,
kaso kahit may ebidensya ako ng mga ginagawa nya since mga OWE tong mga to, di ako iintindihin neto sabi lang ng mga yan "wala yan, yun lang eh" , puro myembro ng kulto nakapaligid sakin dito, wala namang problema sakin may kachat na lalaki misis ko, pero yung mga bagay na ichachat mo pa yung guy gudnyt, ano ulam mo? bahay ka na ba? gusto mo ba ganto pagluluto kita? puro sma smiley pa chat nila, parang iba no? ultimong mga online order nung guy sya umaasikaso, mga bank transaction at takenote naka login ang bank account ni guy sa cp ng misis ko,
pag sa pamilya ko, ko naman binanggit sasabihin nung mga yun, "eh paano anak mo? sino makakasama nun dyan?"
kung sakin lang iuuwi ko na din anak ko hahayaan ko na lang sya dito, nung nabasa ko mga deleted chats nila talagang nanikip dibdib ko, ang bigat sa hininga ganto pala talaga yung pakiramdam ng gustong sumabog, sakin kasi tanggap ko na eh, gusto ko na lang iopen up, kahit private na lang sa pamilya nya o sa pamilya ko, kung makakauwi na ako magiging malaya ako sa kultong to, siguro konting tiis pa, sana mabigyan pa ako ng tunay na Diyos ng tibay para makatayo pa din ako at malampasan to apektadong apektado na kasi talaga ang mental health ko, pero kakayanin ko to, parehas MT ng kulto ni manalo yung misis ko at yung guy,
ask ko lang guys, bakit ganun sinasabi ko talaga sa sarili ko handa na ako ok lang mawala sya, pero naninikip pa din talaga dibdib ko di mapakali isip ko hirap huminga bat ganun?
Posted Sep 1, 2026, 4:41 PM UTC