Tinaboy ko ang isang Chinese at grabe konsensya ko now
Yo guys! I am a 25yr old seafarer sa isang international vessel. Nasa China kami now for cargo operation and receiving some ship supplies.
Last night, nag receive kami ng mga ship supplies, lahat ng crew busy sa pag check and arrange. Habang busy ang lahat including me, may isang chinese worker biglang pumasok inside our accommodation area without permission. Dito sa barko, we are very particular sa mga unauthorized access and any security concerns. Kasi madami ng mga nakaw and other security breaches incidents dahil sa mga uncontrolled visitors onboard.
Pero buti nakasalubong ko and tinanong ko "San ka papunta" and sabi nya maghuhugas lang daw kamay so hinatid ko sa cr.
Few minutes later, yung senior officer ko called me sa radio namin kung sino daw yung chinese na pumasok bigla, kasi di pa daw lumabas. Kaya hinanap ko sa luob
While all crew are busy, nakita ko yung chinese na nag take advantage and nagmamadali kumuha ng pagkain sa luob Ng kusina namin at habang pasandok na sya ng kanin, nahuli ko siya. At bigla ako napasigaw kung bakit sya andito at di nagpaalam. Sabi nya nagugutom daw sya saglit lang daw kakain sya. Sabi ko bat di sya nag paalam Ng maayos sabi ko ng pa-intense, pinalabas ko and nag action ako tumawag sa radio and takot na takot sya masumbong kasi alam nya rin ata mali ginawa nya and strikto ang port namin ngayon kaya umalis nalang sya sa kusina habang naiwan yung pagkain na nakuha nya sa plato.
At yun nakababa na sya ng barko, tas nong medjo di na busy at natapos na mga supplies, bigla akong napaluha. Bumigat ang luob ko kasi at napatanong bat ko nagawa yun. Nirarason ko nalang sa sarili ko baka nadala lang ako sa pagod at walang maayos na tulog lately dahil sa ship operations. Work wise yun yung tamang gawin pero labag sya sa luob ko.
Hanggang ngayon mabigat parin pakiramdam ko at gusto ko mag sorry sa kanya personally pero I know di na kami magmemeet non ever. Sa ibang bisita ng barko always ko inaaccommodate ng maayos, pero yung isang taong alam ko trabahante lang din sa industriyang to and I'm sure underpaid kasi baka buong araw wala pa yung kain kaya nya nagawa yun. Baka yung sahod non sa pagdeliver ng supplies saktohan lang din, and etc. Nag overthink na ako.
Labas ko lang to. Skl.
Posted Sep 2, 2026, 12:34 PM UTC