Transition to Iphone As Long time Android User.
Nagkaroon na ako ng Iphone dati Iphone SE ang na gustohan ko lang sa kanya yung optimize na OS at yung pag kopya ng mga photos at puwede mo insert sa FB na hindi pa rin magawa-gawa sa android hanggang ngayon. May mga tanong lang sana ako sa mga Iphone user tungkol sa mga pumipigil sa akin na bumili ng bagong Iphone.
-May iba bang Music player sa IOS na walang ads at puwede gamitan ng mga downloaded na MP3 na kanta? Marami kasi ako mga MP3 na files kasi mahilig ako makinig ng mga kanta, sa iphone se ko kasi nahihirapan ako makahanap ng MP3 music player.
-Ano ang mga editing apps specifically katulad ng Picsart na puwede ko magamit sa pag eedit sa IOS?
-May mga browser ba sa IOS na sinusuportahan yung mga ad block extensions? Kasi sa iphone ko walang ganon kahit yung sa safari hindi ka puwede mag download ng mga ad block extension, at subrang dami pa naman ng mga ads sa safari browser. (Triny ko na dati yung fire fox kaso hindi siya katulad ng android version nito na pwede ka mag download ng extension ng ad blockers)
Ito lang naman mga katanongan sana mayroon makasagot, maraming salamat sa mga sasagot.
Posted Sep 2, 2026, 12:34 PM UTC