Fresh IT Graduate with Freelance Experience: why is getting a stable corporate job so hard?

Career Advice/Discussion

Fresh IT graduate ako from Bicol Province, and honestly, nagsisimula na akong ma-frustrate kung gaano kahirap makahanap ng stable na corporate job.

Okay naman ako noong college. I graduated with flying colors, nag-internship ako kung saan nagtrabaho ako sa actual projects, and nagfu-full-stack freelance work na rin ako since student pa ako. Nakapag-work na ako with local clients and even international clients, mostly website and software development.

Ang frustrating lang, unstable talaga ang freelance. Puwede kang magkaroon ng client, matapos yung project, mabayaran, tapos after a few months back to zero ka na naman at naghahanap ulit ng next project. Grateful naman ako na nagkaroon ako ng experience this way, pero gusto ko rin kasi talaga yung stability ng permanent job.

Kaya lately, apply ako nang apply. Developer roles, QA, application support, IT support, software-related jobs, pati ibang roles na hindi talaga originally target ko just to get my foot in the door. May mga applications na walang response, may mga umabot sa next step, pero hanggang ngayon wala pa rin yung moment na masasabi kong, “Okay, employed na ako. Ito na yung career ko.”

And honestly, nakakapagod na rin siya.

Alam ko naman na 22 pa lang ako. Recently lang ako grumaduate. Alam ko ring baka masyado lang akong hard on myself.

Pero kapag nakikita mo yung mga ka-batch mo na may jobs na, nade-deploy, lumilipat sa Manila, nagsisimula na sa careers nila, mahirap din talagang hindi ma-feel na parang nahuhuli ka.

Ang pinaka-frustrating siguro is alam kong hindi naman ako walang ginagawa. Nagtatrabaho ako. Gumagawa ako ng projects. Nag-aapply ako. Nag-aaral pa rin ako. I'm trying.

Pero parang nasa weird limbo lang ako ngayon na technically may ginagawa ako, pero hindi ko ramdam na umaandar talaga ako.

Baka kailangan ko lang talaga ilabas somewhere. 😭

Sa mga fresh grads na dumaan din dito, gaano katagal bago kayo nakakuha ng first stable job? At ano yung eventually nag-work para sa inyo?

Posted Sep 2, 2026, 12:44 PM UTC

912
Loading comments…