Ano kaya magandang gawin sa basang wall?

Recommendations

Hi! Baka may naka-experience na rin nito. Yung wall namin ay nababasa kapag umuulan. Galing yung tubig sa roof top (concrete slab). Hindi naman kami ganito last year, pero ngayon tuloy tuloy yung ulan talaga, parang nagleakage na sa rooftop namin.
Nagpa-waterproofing na kami sa taas nung medyo gumanda ang panahon, pero umulan ulit kaya hindi rin kumapit nang maayos.
For now, gusto sana naming ayusin muna yung wall sa loob. Naisip namin PVC panels, pero baka lalo lang ma-trap yung moisture.
Hindi na rin kinakaya ng dehumidifier kasi as in basa na sya parang tubig na tumatagas.
Ano kaya ang magandang gawin dito? May marerecommend ba kayong material or solution na okay ilagay kahit basa pa yung wall or ilagay sa roof top? DIY sana kung possible.
Salamat! 🙏

Posted Sep 5, 2026, 3:55 PM UTC

25
Loading comments…