Pagod na ako hindi ma-pursue.
After this post, I am taking a break from Reddit, from seeking random comfort here just because I can’t express and haven’t expressed what I feel kaya ito na, para gumaan itong nararamdaman ko…
Pagod na akong hindi ma-pursue. Pagod na akong magustuhan at ma-appreciate pero hindi naman pinapanindigan. Pagod na ako magkagusto sa mga taong hindi kaya magdesisyon. I am tired of liking a man more than he likes me. Ang baba na ng tingin ko sa sarili ko.
Ayoko na mag-day dream thinking that he will come forward one day. Ayoko na, pagod na ako. Ayoko nang araw-araw magtaka kung kamahal-mahal ba ako.
Bahala nang tumanda mag-isa, baka masanay din naman ako. Ayoko na.
Posted Sep 8, 2026, 11:50 AM UTC
406