Lost and found
Kwento ni Ermats to. Toddler pa ata ako nito or baka di pako buhay lols. Ayoko na magtanong muna sa kanya sa ibang details. Basta update/edit ko na lang tong post if may idadagdag ako.
Maraming alahas si ermats dahil galing abroad. Investment kumbaga. Bigla, nawawala raw mga alahas niya. Kwinento niya sa asawa ng tito naming babaero. Sabi ni Tita, puntahan daw nila yung matandang Manghuhula na go-to person niya pag di umuuwi Tito namin.
Pag daw pumupunta si Tita ko sa Manghuhula, dinadala niya damit ni Tito, tapos inoorasyonan.
Matandang dalaga daw yung manghuhula. Mag-isa sa bahay. Mestiza daw. Mahaba ang buhok. Mukhang di naman panget kasi maaliwalas daw yung mukha.
Nung dumating sila Ermats at Tita sa bahay nung Manghuhula, ang unang sinabi or tanong daw sa nanay ko ay “may nawawala sayo no?”. Opo, sabi naman ni Ermats. Ang hula niya, nasa bahay lang daw yung magnanakaw ng alahas. Tapos sabi sa nanay ko, “uwi ka na, nandoon parin mga alahas mo”.
Pag uwi daw ni Ermats, nakakalat daw sa sahig yung mga alahas, tapos wala na daw yung kasambahay.
Yan lang encounter ni Ermats sa manghuhula. May kwento rin daw na yung matanda na yun, kasama sa team na naghahanap dun sa Golden Buddha.
Posted Sep 11, 2026, 3:23 PM UTC