r/PHRunners•
Sad_Run4048

Muntik na Makagat ng Aso

Others

Hello, sa subdivision po ako nakatira at doon lang din nagja jogging. Pero muntikan nako makagat ng aso at madisgrasya. Kinausap ko naman po ang may ari ng aso ng maayos at pinaliwanag sa kanya na kelangan nyang itali ang aso nya dahil nga sa pangyayari. Pero ang sagot nya sakin eh wala silang magagawa kase nga nakakawala sa gate nila at hindi lang naman aso nila ang pagala-gala sa subdivision. Ang sagot ko naman sa kanya itali nalang nya ang aso nya at wag igaya ang aso nya sa iba kase ang mga asong pagala gala nayon eh walang amo, hindi kagaya ng kanya. Pero hindi padin sya nakikinig at nauwi sa argumento kaya ginawa ko nalang po eh umalis nalang ako kase hindi sya willing makinig. Rinig kopa ngarin po boses nya habang papalayo ako kase sumisigaw na sya. Tama poba yung ginawa ko at ano po pwedeng gawin?

Posted Sep 13, 2026, 6:05 AM UTC

019
Loading comments…