How to deal with pregnant helper?
Hello mommies. I am asking advice how to deal with helper who is pregnant.
We have a helper who’s been with us for more than a year. Okay naman sya sa work and my kids get along with her. She has kids already sa province but hindi kasal sa tatay ng mga kids nya. A few months ago, meron syang nakilala dito sa Manila eventually nag live-in sila. Yung helper namin every weekend umuuwi dun sa pinag rentahan nila.
Ngayon nag off sya 2 weeks ago. Nung dapat na babalik sya bigla sya nag message na nalaman nya na buntis sya. Nag request sya ng leave extension. Syempre we have no choice but allow it. Sa totoo lang naiinis ako kasi buntis sya tapos may mga maliit pa sya na anak sa probinsya. Tapos minsan nag aaway sila ng tatay ng mga anak nya sa phone kasi nanghihinhingi ng panggastos sa mga anak nila. Haaay
I asked her if kaya pa nya mag work. Sabi nya kaya pa nya. Now, nakabalik na sya but I was thinking that for now siguro pwede pa sya mag work pero kapag malaki na tiyan nya or around 5 mos. mukhang we have to let her go.
Will that be okay? Wala akong time maghanap ng yaya ngayon dahil sobrang busy sa work. We are thinking to let her stay until December pero by Jan hindi na.
Posted Sep 13, 2026, 6:08 AM UTC