Best Investment So Far.
Hello mga friends. I just wanted to share this. 3 Months na po next week ang solar namin. It is an 8KW setup with 16KWh Battery. So far, wala pa naman problems. And all is good so far. Eto na talaga ang best na investment ko for the past 5 years. Wish ko talaga sana, magka-solar na lahat. Para rin makatipid at malayang makagamit ng appliances nang walang masyadong inaalala.
Conservatively nasa 36K na savings namin in less than 3 months. Less na rin ang pagbili ng gasul kasi nag-induction stove na kmi. Bonus pa na pag-brownout ang mga senior citizens sa bahay, di na rin pagod kaka-paypay pag may brownout. Di na rin ako naabsent sa remote meeting pag brownout. Kaya sana talaga, tumagal tong setup namin.
Good luck sa lahat ng nagbabalak o meron ng solar setup. And solar-dust sprinkle sa lahat para sa maliwanag na kinabukasan.
Posted Sep 13, 2026, 6:29 AM UTC