OA lang ba ako? Nalungkot ako sa ginawa ni bf.

🫂 Relationships

For context, ang libangan ko eh tumambay sa coffee shop at i-enjoy ang kape doon lalo na pag madaming problemang iniisip. I always include my bf para sana nakakapagusap kami about kahit saan, hindi naman para mag-vent out. Gets ko naman na everyday kami naguusap pero kasi mas hinahanap ko yung naguusap ng walang gumagamit ng cellphone tapos in person. Basta pahinga away from gadgets and social media.

Kanina inaya ko si bf magkape, pagdating namin sa cafe, puno yung seats so sa parking na lang kami tumambay at doon ininom yung kape (just across the street). When we saw na nagsitayuan na yung mga nasa loob, sabi ko abangan namin sa labas (may seats din doon) pero may dalawang tao dun, isang customer at guard na naguusap lang naman. Ayaw ni bf kasi daw may tao. So nag-adjust ako. Then may dumating na couple at dalawang students, inoccupy na seats sa loob so sabi ko kay bf kung pwede ba mag-abang na kami sa labas ulit kasi naunahan tuloy kami.

Nung pumayag, biglang sabi na sa iba na lang kami tumambay. Pumayag naman ako iniisip ko baka kasi he’s anxious when there are people around. Although the coffee shop is small so hindi madami ang tao. Medyo nalungkot ako kasi cinonfront ko na siya before sabi ko bakit pag sa inuman inuumaga ka pa nga ng tambay and nakikisali pa ko pero pag ako na sa coffee shop, ni hindi man lang tayo nakakatagal ng kahit 2 hrs, tapos ako pa lagi nagiisip ng topic para makapag-usap kami ng walang phones.

I’m just sad pero I don’t know if valid ba nafifeel ko. I think he doesn’t understand me. Kaya napapaisip ako minsan kung mahalaga ba ko sakanya talaga? Kasi mga friends niya nga nag-effort ako kilalanin para pag sa inuman nakiki-enjoy ako and you know, do the things na nagpapasaya sakanya. It’s just that pag dating sakin, kahit simpleng tambay sa coffee shop at least 2 hrs, di umaabot. Sa mga friends ko nga di niya ineeffortan kilalanin although they’ve seen each other once pa lang sa 5 yrs naming in a relationship. OA lang ba ko and valid ba na na-sad ako?

Posted Sep 14, 2026, 7:58 PM UTC

11
Loading comments…