grief processing?

TRIGGER WARNING

yesterday morning, nagising ako na umiiyak dahil napanaginipan ko yung pinsan ko na namatay na 3 years ago. first time ko siya mapanaginipan and sa panaginip ko para siyang bumalik. he's just there while niyayakap at hagulhol ako sa panaginip ko. i thought nakamove on na ako but when i saw a photo of him posted by his mom this morning, napaiyak na naman ako, hagulhol level.

akala ko talaga okay na ako since 3 years naman na and when i'm seeing a photo of him, hindi naman na ako naiiyak. but grief really comes in waves. walang pinipiling araw o oras. dadalawin ka nito on a random wednesday at kahit habang kumakain ka pa ng almusal. i'm also the type of person na hinahanapan ng reason or signs yung mga bagay na nangyayari sakin, but i can't find a sign on this one. i don't know bakit siya bumisita sa panaginip ko or ano ipinaparating nung panaginip ko. but my dream reminded me of how i missed him.

Posted Sep 17, 2026, 3:34 AM UTC

62
Loading comments…