OA lang ba ako na madismaya sa salary ko?
Hello, I’m a house helper for 8 years na. My salary is 10K plus 13 month pay. Meron din akong benefits (SSS, PhilHealth, Pag-Ibig). Nagsimula ako sa 5K hanggang sa naging 10k.
This year, they welcomed a new member sa family na pinagtatrabahuhan ko. Naka-hire sila ng nanny and tinanong niya ako kung ilang taon na ako dito. Sabi ko more than 5 years na then nagtanong siya magkano sahod ko. I just said sakto lang. Tapos tinanong ko siya kung magkano ung sa kanya. Sabi niya starting daw is 12K.
Napaisip ako na buti pa siya, malaki pa ang sahod kesa sa akin although gets ko naman na mahirap talaga kapag baby ang aalagaan. Lalo tuloy akong nahiya na 10k lang ang sahod ko kasi baka iniisip niya na malaki-laki na gawa ng matagal na ako dito.
Pero valid ba ang nararamdaman ko na madismaya kasi ang liit ng sahod ko compare sa kanya?
Posted Sep 23, 2026, 8:41 AM UTC