Harassment and Home visit.
I am a good payer. Umabot na yung limit ko sa cash express ng 39k prinicipal pero yun balik niya is 61k which is due bukas. Yung finbro ko naman is 50k prinicipal then payment is 75k. Actually lahat naman to nababayaran ko noon pero narealized ko kaya ako nawawalan ng pera dahil nababawas sa interest. Irereloan ko man pero ubos na din sa interest. Bukas ang due ko sa Cash express at Next week sa FINBRO. Nahirapan ako kasi nagkasabay sabay lahat ng bills, nahospital ako dito sa abroad. Ayoko na magtapal. Hindi ko na sila kaya bayaran. Natatakot ako baka harrasin nila ang pamilya ko sa pinas na walang kaalam alam sa nangyari sakin. Inaantay ko ang email nila kapag OD na ako. Ofw ako. May mga nakaranas po ba nito? Salamat po sa sasagot.
Posted Sep 23, 2026, 8:42 AM UTC