r/SpookySerye•
PhilDiePie

libing sa gabi

Hello Ate Bebs, This is not my own experience but from my father's na sobrang sceptic sa mga multo before this exeperience. Nakwento niya 'to, Highschool palang kami if I'm not mistaken.

Nakatira kami sa Northern Luzon. Not sure sa iba, pero uso parin dito sa amin kung saan kapag ihahatid na sa huling hantungan ang mga patay, meron paring mga naglalakad, papunta sa simbahan, at papunta sa sementeryo. Once in a while, kapag may biyahe kami papuntang Manila (which is around 10 hours na biyehe via bus), meron at meron kaming madadaanan na ganito, which can make you impatient at times kasi siyempre, mabagal, at mahirap sumingit yung bus. Pero what if may madaanan kang libing, sa gitna nang gabi?

Dito sa amin, dadaan ang bus either Isabela route or Ilocos Route papuntang Manila, Most of the time ay sa Isabela dumadaan pero at some circumstances, sa Ilocos. Like kapag merong traffic sa bandang Santa Fe, Nueva Viscaya, need umikot sa Ilocos kasi pwedeng abutin ng isang araw kung ipipilit sa Santa Fe.

I don't recall the reason pero isa sa biyahe ni papa papauntang Manila, yung bus na nasakyan niya ay sa sa Ilocos Region dumaan. 3PM umaalis ang Bus dito saamin, kasi mas-mabilis makarating gawa nang wala na masyadong traffic sa gabi. Everything was fine, 3PM alis ng Cagayan, 6 or 7PM, stop over para kumain ng Dinner, then tulog para pagkagising mo malapit na kayo sa Manila. Nasa Ilocos Region na sila, at habang tulog ang lahat nang pasahero, nagising si papa gawa nang sobrang bagal na andar ng bus na halos 5 minutes na. Pagkatingin niya sa relo, alas dose nang gabi.. Hindi usual, kasi gabi. dapat walang traffic, diba? so napa tingin si papa sa harapan ng bus. Doon niya nakita na may Libing. At first, akala niya baka tradisyon lang ito sa Ilocos Region. Hindi na niya masyadong inisip, hanggang mapansin niya... sa kaliwa, sementeryo. Sa kanan, sementeryo din! tinignan niya ulit yung harapan, meron siyang napansin na nakapagpakillabot sakanya... 'yung suot ng mga tao, parang mga kasuotan noong araw. Lahat sila naka barong, naka filipiniana, yung kabaong, nakalagay sa kariton at hinihila nang kalabaw.

Ang pagtataka niya, bakit hindi nag-overtake yung Bus. Hinintay nilang makapasok ang libing sa sementero kung saan nila hinahatid yung patay. Habang papasok na sila, may napansin ulit si papa, lahat sila walang mukha, umiwas nalang nang tingin si papa hanggang makalampas ang bus. Paglampas ng bus, lumingon ulit si papa, this time, wala na sila.

Hindi nakatulog si papa until the next bus stop. At the Bus stop, hindi napigilan ni papa tanungin yung kundoktor at driver.

"Bakit hindi sila nag-overtake nang more than 5 minutes?"

"Bakit hinintay nilang makapasok yung libing bago nila nilampasan?"

Sabi nila, wag na wag mo daw silang bubusinahan at lalampasan, kasi baka ikaw ang isusunod nilang ihahatid sa libingan.

Posted Sep 28, 2026, 2:55 PM UTC

71
Loading comments…