So drained these days...

Rant/Vent only (No comments)

Nakakadrain na sa work ko ngayon. Ang taas masyado ng expectation ng TM ko especially during my calls, naiintindihan ko na para sakin din yun kasi nga, konting promoters nalang ay may incentives ako. Pero di ko talaga makokontrol ang surveys ng callers ko. Kahit gusto ko ng incentives, sobrang imposible lang talaga. Tapos ang dami pinapagawa na nakaka-pressure tbh, marami pinapagawa ganun. Again, alam ko para sakin naman din yun, pero nakakawalang gana kasi mag sipag pag eto lang sinusweldo ko, tapos ang hirap pa ng metrics para makuha ang incentives. Parang mas excited pa ako sa breaks and lunch ko kesa sa mismong sahod ko eh. Gusto ko magresign, pero ang daming bayarin tapos need ko pa na pumasok na this second sem kasi according sa prof ko, nagbago na yung curriculum and need ko na kunin 'to kasi pag hindi, mas malaki ang gagastusin ko pag nagsimula ulit ako magaral kasi need ko itake ang mga major subjects ko. And need ko pa gawin yung research ko na ayaw na ayaw ko talaga kasi parang parusa lang siya dahil hindi ka sasama sa cruise tour nila. Wala ngang dagdag grades yun eh wtf, sadyang requirement lang para makagraduate. Tapos tumaas pa yung pamasahe? Haha iyak. Ako nalang ang bumubuhay sa sarili ko and nagbabayad ng utang at renta dito sa bahay. Parang there is no end to this tunnel.

Wala lang. Sobrang draining lang talaga. Iniisip ko nalang sana maapprove ang pto ko eh. Pero di ko alam kung gagamitin ko siya para maghanap ng ibang work or ipahinga nalang eh...

Posted Sep 29, 2026, 2:19 AM UTC · locked

10
Loading comments…