Nakakainis na walanb progress ang transpo system natin.
Outside of the traffic and hassle dito sa Manila, gusto ko lang mag rant about sa experience ko commuting via bus sa provinces.
Uuwi kami pabalik ng Manila kahapon pero sobrang hassle ng experience namin at wala kaming masakyan na pa-Pasay na bus. Pumunta kami sa tatlong bus station kahapon at mahigit isang oras kami naghihintay sa isang station kasi sabi ng dispatcher “parating na maya-maya”. Ang ending, nag sawa kaming naghihintay at di nalang kami tumuloy kasi pagabi na so kaninang umaga kami lumuwas, which was equally hassle rin.
Mga dispatcher na manual nag lolog ng oras ng pag dating at pag alis ng bus sa terminal? Tapos walang maayos na maisagot kung anong oras darating ang bus kasi wala silang proper way to track? Conductor na manual parin ang pagbigay ng ticket? Tapos parang cash lang tinatanggap at hindi pwedeng online payment kapag magbabayad sa loob ng bus?
Sobrang frustrating lang isipin kasi sa ibang bansa automated na ang payments at mattrack mo pa kung nasaan na yung bus real time. Pero bakit dito kung paano siya nung college ako (which is close to
20 years ago) ganon parin ang process at walang pinagbago? 😭
Posted Sep 29, 2026, 2:20 AM UTC