Government Employee na bawal mag part time or business
Minsan nakakaiyak nalang yung mga batas dito sa Pilipinas. Sa kagaya kong government employee na overworked and underpaid (Public Health Nurse) nagiisip din ako ng ibang way para magkaroon ng extra income. I know some of you sasabihin na “Edi mag resign ka” oo naman kino-consider ko yan, pero kung mag reresign ako, ang gusto kong ipalit ay abroad or sa mas malaking sweldo. Oo, ok naman ang sweldo ng nurse kung nasa government ka under plantilla, pero hindi na rin sumasapat yun dahil sa mahal ng bilihin, hindi nga ako makapag-baby kasi ayokong maging baluga ang magiging anak ko, syempre kung may pangarap tayo para sa sarili, mas mataas ang pangarak natin para sa magiging anak natin. Napunta nalang sa tax at meralco ang sweldo ko. Marami ka pa need iconsider after tax para lang mapagpatuloy ang buhay. Tapos pagbabawalan ka ma-associate sa ibang source of income, kesyo bawal magkaroon ng business na nakapangalan sakin, bawal ako mag accept ng freelance job, so on and so forth, kingina, ano na? Bawal ka ba talaga yumaman sa mga bagay na gusto mo naman paghirapan? Nakakaiyak, pero wala akong choice kasi magkakaroon ako ng kaso under admin case sa civil service. Bat saming maliliit na tao ang dali-dali lang magkaroon ng sanctions? Kawawang Pilipinas.
Posted Sep 29, 2026, 2:29 AM UTC