SI BOSS KO ANG DAHILAN KAYA NASUSPINDE AKO AT MINALAS SA TRABAHO
Note: I have paraphrased and shortened the confession of the person in this story para hindi masyadong mahaba, and for you to get the gist easier as well. Names in this experience have been changed for privacy purposes.
---
Kung masipag ka, kung gumagawa ka lang naman ng tama, ikaw pa ang madadale ng mga taong may gawang masama. Nangyari ito noong nakaraang taon. Siya si Via, nagtatrabaho sa isang kilalang foreign company. Isa siya sa mga mataas na ang posisyon sa sales at hawak ang mga iba't ibang parte ng kanilang transactions sa mga offers, investments, partnerships, etc.
Ang boss naman niyang si Magda ay ang tinatawag na classic boss. Bukod sa tutok sa mga hawak niya sa team, siya rin ang tumitingin sa mga plano. Sabi nga ni Via, madaming beses niyang pinapagawa ang team members niya ng proposal at hindi na niya nirereport sa team, yun pala, ginamit niya ang proposal at sinabing siya ang nakaisip nito. Kaya siya nasa pwesto niya dahil dito.
Dito nagkaroon ng hindi magandang relasyon si Via at ang kaniyang boss. Lumapit sa akin si Via mula sa aking FB page at ito ang sabi niya sa akin (paraphrased):
"Hello po. Matagal kong pinag-isipan bago ako nagcontact sa page mo. To cut the story short, I think my boss has been sending me hexes. Naniniwala ako sa mga kulam at barang. Her family is from an area po na maraming mga mangkukulam. Sabi sa akin ng ibang mga bosses dito sa company, may sa demonyo daw ang boss ko kasi yung kapatid daw niya sa probinsya, mangkukulam. Hindi ko sure kung totoo pero yung tatay ganun din daw.
Honestly po hindi ko alam anong gagawin ko. Nalaman ko kasi na may mga ginagawa siyang hindi ethical sa trabaho. Minsan, kinukuha niya ideas ng team members pinapasa niyang siya may main idea. Minsan naman sinasabotahe niya ang meeting ng iba para yung transaction, magye-yes lang ang mga clients at investors kung siya ang kausap. Ibig sabihin, imbes na sa tao niya mapunta yung commission, mapupunta sa kaniya. Nireport ko po ito at simula noon, hindi na naging mabuti ang trato niya sa akin.
Nagkakaroon na din po ako ng mga hindi magandang panaginip. Minsan di na ako masyadong makatulog or ayaw kong matulog kasi andyan na naman mga nightmares. Nasusunog daw ako. Minsan naman pinapako sa kahoy tapos sinusunog. Nalulunod, hinahabol ng mga tao, o kaya nagugunaw ang mundo tapos ako yung huling namamatay.
Gaya po sa iba ninyong mga naging post sa reddit, may mga prickling sensations din ako sa dibdib, paa, likod at minsan sa ulo. Hindi siya yung tinutusok, pero masakit parin.
Lagi din akong minamalas sa pera. Kung hindi ako nazezero, parang ang hirap ng pera sa akin kahit mahigpit na akong nagtitipid. Actually ngayon nga sir, I'm doing OMAD na rin para tipid. Nag-ala superwoman na rin po ako sa budgeting at nag-slash na ako ng mga luho pero wala parin po talaga. Parang di na po ito tama.
Nagkakaroon din ako ng headaches, body pains at minsan, nahihilo ako kahit nasa trabaho. Nagsusuka din ako minsan. Nagpatingin na ako sa doctor and ang sabi niya sa akin, kailangan ko ng pahinga. Overworked din daw ang isa sa reason. Binigyan niya ako ng mga gamot, pero sa totoo lang, kahit sinunod ko ang payo niya, hanggang ngayon I still feel the same. Alam kong beyond na to sa gamot gamot lang.
Napapansin ko rin yung sinabi niyong manifestations at infestations ng taong may kumukulam, such as insects, minsan din I hear crackling noises sa isip ko kahit wala namang ganun present sa bahay, then after po niyan doon na sasakit ng masyado tiyan ko, ulo ko and the prickling sensation happens again.
Last resort ko na po talaga ito. Sana po matulungan niyo ako."
---
Nang mabasa ko ito, naisip ko rin na maaaring scientifically and medically explained ito. Pero after ng marami naming conversation exchanges at nakita ko rin yung pictures ng pantal niya sa katawan after the sensations at after that nawawala, I knew that there's something going on.
Una naming ginawa ang Mo Dice divination, and lo and behold, there's really some curses going around. Hindi lang isa, pero lima.
Ginawan din siya ng kulam, pero ang ginawa, yung mangkukulam, nagsend ng espiritu ng tuway. Yun yung gumagawa sa kaniya ng masama. I knew this because during the ritual, may sensation sa katawan at heat na nawala, purged during the chanting mismo. Even Via told me na napansin ko daw ba yun.
To cut to the chase, tinanggal namin ang kulam muna, cleansing and clearing after, tsaka protection.
---
As for Magda, we did a few rituals para mas mabilis na malaman ng mga BoD ang mga kalokohan niya. We did a White Umbrella ritual to help Via along with the reports at tinulungan na rin siya ng ibang mga team bosses doon. After three months, nagmessage sa akin si Via na nagsign ng isang sworn statement tsaka confession of misconduct sa lahat ng mga ginawa nito sa company. As per corporate world, ang pagkakaalam ko, mahihirapan nang makahanap ng trabaho si Magda.
Via cried sa video call when she called me after all the trouble.
Hindi na rin siya nakakaramdam ng anuman. Sabi ko, dahil protected ka na. Kahit ubusin pa ni Magda at ng kapatid niya ang oras nila na mangkulam, wala na hindi na siya gagana.
Kahit ano pa ang mangyari, hindi mananalo ang dilim sa liwanag. Justice always prevails.
Posted Sep 29, 2026, 2:34 AM UTC