need an advice for buying a house from first grantee ng Pabahay
Problem/Goal: Hi guys I dont know if this is the right community to ask po regarding this, tanong lang po tungkol sa pagbili ng NHA/government housing na “rights only”.
Magandang araw po. May inaalok po sa amin na bahay sa Quezon City na government housing daw na originally ipinagkaloob sa mga pamilyang na-relocate mula sa dating informal settlement area malapit sa Trinoma. ang rraon nila kaya nila inoffer na samin is lilipat na sila ng probinsya at mag for good na daw po kasi eala na trabaho yung asawang lalaki at matatands na po sila. maayos nman po sila kausap kasi kapitbahay lang sila ng tito ko na na-grant din ng pabahay at bumibisita kami don kaya kami po nakilala at inoffer samin
Context:
Originally, ₱1.8M daw po ang presyo na inoffer ng may-ari. Ang pagkakaintindi ko po, kailangan daw nila para mabayaran nang buo sa NHA yung bahay/property na ipinagkaloob sa kanila kasama kami. Pagkatapos daw po, may abogado na gagawa ng kasulatan para ma-transfer sa amin yung bahay. Wala pa raw pong individual title at “rights” pa lang daw ang hawak nila. nagpass kami kasi wala kami mahanap na mautangan ng ganong kalaking halaga.
Ngayon, inoffer ulit sa amin na "SANLA-TIRA" na kung saan ₱500k muna ang ibigay, tapos yung remaining amount ay babayaran over 3 years. Interesado kami dahil maganda ang location at malapit sa amin within QC lang at mukhang maayos din yung community/subdivision. style sya subdivision pero pabahay sya mula sa gobyerno sa mga naging taga philam squatters area ss may trinoma.
Gusto ko lang po sanang malaman kung tama ba ang ganitong proseso at kung safe ba ang ganitong transaction. Ano po ang mga dokumento na dapat naming hingin at ano ang dapat naming i-check sa NHA bago kami magbigay ng ₱500k? gustong gusto namin to nung una kaso nagpass na kami kasi wala kaming perang halaga na 1.8m at Kailangan din po ba ng approval ng NHA para ma-transfer sa amin ang rights/property, kahit may abogado at notarized na kasulatan? masyado bang too good to be true ito? pasensya na po if mahaba at first ko po itong ako ang mag step up at mag lead para po sa mga magulang ko need ko po na mabusisong advice and opinion po regarding this decision po.
Maraming salamat po sa mga may experience sa NHA housing, rights-only properties, o ganitong klaseng transaction.
Posted Sep 30, 2026, 3:33 AM UTC