r/AccountingPH•
Lost_Lass

Leaving Local Big 4 Early and Career Path

Big 4 Discussion

Hi po!

Posting here kasi wala po akong mapagtanungan huhu.

For context, May 2026 CPALE passer po ako tapos naexcite po ako na may offer ang isang big 4 firm after ng exam. Pero hindi ko po alam masyado yung environment and work since puro theory lang po yung naaral. Siguro na-romanticize ko lang yung idea nito.

Ngayong halos 3 months na ako rito, hindi ko na kinakaya yung super long hours and palipat lipat na engagements. Wala na akong time with family tapos nagdedecline na rin health ng lolo at lola ko and yung parents ko, visible na yung pagtanda nila, pati yung jowa ko hindi ko na rin halos nakakasama. So naiiyak na ako sa office, sa bahay, at sa biyahe kasi wala na akong time with them, since nung nag-aaral pa. Akala ko sa work, magkakaroon ako ng oras para makasama sila pero mas lumala lang pala.

Dahil dito, narealize ko na na kailangan ko nang magresign. Marami namang natututunan pero gusto ko sanang magtrabaho during specific hours pero makasama ko yung mga minamahal ko pagkatapos ng work.

Meron po ba sa inyong umalis sa firm nang super aga? Ano po pinuntahan niyong work after? Hindi rin po ako sure sa career path kasi akala ko tatagal ako rito pero mali pala ako.

Maraming salamat po huhu.

Posted Sep 30, 2026, 3:44 AM UTC

306
Loading comments…