Ubos na pasensya ko sa Apologist-DDS kong tatay.

Di namin sya kasama dito sa bahay. He moved back sa birthplace nya sa Mindanao after retirement nya 10yrs ago.

Mabuting taty naman sya. Madalas wala dahil sa trabaho nya pero bumabawi pag andito sya samin. Marami din akong natutunan sa kanya. Tinuruan nya akong magkaroon ng respeto sa buhay. I still remember nung paglalaruan ko yung gagamba sa bahay namin, pinigilan nya ako at may karapatan din dae mabuhay yung gagamba. Tinuruan nya akong mahalin ang kalikasan. Pinadampot nya sakin yung plastic ng softdrinks na tinapon ko sa malamim na kanal. Tinuruan nya ako ng family values na dapat daw samasama sa hirap at sarap ang pamilya. Yung ibang kamaganak ko kasi sa mothers side anjan lang pag may kasiyahan. Walang ambag financial or labor tpos wala ding tulong sa paglilinis. Andami pang lessons. Sobra taas talaga ng tingin ko sa kanya.

Pero ewan ko ba pagdating sa politics sobrang tanga. He's one of those people who voted for Erap both times. Tandangtanda ko pa nung sinabi nya na si Erap ang best president kasi nagkakamay at sumasabay sa mahihirap pag nakain. Highschool ako nito pero alam ko na na sobrang stupid nung statement nya.

Pero kahit ganun, never naging issue ang politika samin. Lagi silang magkaiba ng pananaw ni mama and evetually ako at yung mga kapatid ko din pero never naging issue. Ewan ko ba kung anung meron kay Marcos at galit na galit sa sa amin dahil di namin suportado kandidato nya. Unang nyang inaway ay yung kapatid ko na nasa abroad. Di ko alam pinagusapan nila pero ang ending 2buwan silang di nagusap. Nagstart lang sila magusap ulit nung holidays pero kahit ngayon bihira na din sila magusap. During that time na di sila naguusap binabantaan nya kami na di din nya kami kakausapin. Mahal namin sya syempre ayaw namin. Yung bunso ko kapatid nagsabi na BBM iboboto nya kahit passionately for Leni sya. Ako di masyado naging active sa facebook. Si mama lang talaga malakas. Pag kausap sya pilit naming iniiba ung usapan na wag mapunta sa politics.

Ilang buwan akong nagpipigil. Tinatama ko yung iba nyang argument like Tallano Gold. Pero pucha suko talaga ako sa iba ehh. NPA daw si Jesse Robredo, si Leni daw nagpapatay sa kanya di daw totoo martial law. Inexplain na yun ni mama sa kanya, pag ako feeling ko pagtataasan ko sya ng boses at magkakaroon ng lasting strain sa relationship namin. Ayoko nun. Ang sakit na yung taong hinahangaan mo sasabihan ka na kinakahiya ka nya dahil Leni supporter ka. Na sinusumbat nya sayo na binuhay ka nya ng ilang taon kaya dapat suportahan mo din si Marcos.

Ayun na nga nanalo si Marcos. Ang sakit pero tanggap ko. Ang tatay ko, nanalo na at lahatlahat kandito nya ay aba galit pa rin samin! Shuta. Inaakusahan kami na sumali daw kami sa rally na may UP. Di nga namin alam na may rally dun ehh. Tpos yun, niredtag na nya kmi. Kumunista daw kami. Gulat na gulat kami ni mama since pareho naman kaming nananahimik sa socmed ng ilang buwan na. San nanggagaling yung galit nya. Tpos parang may extrang galit sya sakin dahil UP grad ako at tingin nya sa lahat ng UP students ay rebelde. Pinilit kong ibahin usapan pero wala. Hays. Kung alam ko lang na ganto kahahantungan namin sa nuon pa ako nakipag bardagulan sa kanya. Anyways, nung pansin ni mama na mejo agitated na ako, kinuha nya phone. Sya tumapos ng usapan kasi sya lang naman may pasensya kay papa sa ganyang usapan. Ending is galit si binabaan ni papa si mama. Tpos minessage kaming dalawa nung bunso sa wag daw sasama sa mga rally ng kumunista.

Tanggap ko na. I lost a hero today.

Posted May 12, 2022, 12:41 PM UTC

67
[deleted]•

[removed]

4
macquilingOP•

Marami po. Its just these people are smart enough to know that the UP community will shame them for supporting aunch candidates

Overreact? Ilang buwan na syang ganyan ugali. At ilang dekada na syang tanga sa politika. Pero sana nga overreact lang.

3
kapekape_•

Nah madami sila

1

Lol madami. Mga taga UP mindanao, as expected.

1
seriffluoride•

Kumakaway si Prof. Clarita Carlos lmaooo

1
Jeelab•

Maintain the respect and love to your parents kahit sa tingin mo mali cla. Mabuti pa yung mga pets minamahal unconditionally.

May binalita lang today na isang teen pinatay niya ina niya. Napatanong tuloy ako, ano na ang nangyayari sa mga kabataan ngayon.

-4
Rambutido•

Hahah anong alam naman nila sa respeto pareparehonsila matatalino nat mataas o edi hiwahiwalay sila hahaha di nila mahahanap tunay na ligaya

1