I think I'm Headed for Disaster

I just really want to get this off my chest. I have a very small circle of friends and I don't think I want to talk to them about this. I'm getting married this month and ayoko namang masira tingin nila sa relationship na meron ako. It's just that sobrang pagod na ko physically and mentally. I've been told about the stress na dala ng wedding so I thought prepared na ko. Trying hard to get enough sleep habang nagwowork sa gabi tas yung wedding prep sa umaga. I'm not getting any help from my fiance. Kapag tinatanong ko sya, lagi lang binabalik sakin na ako na bahala. Ako nakikipag usap sa coordinator, ako naglalakad ng documents and mga needs namin, ako nagbabudget ng lahat ng expenses pati ng sahod nya kasi lagi syang short. Pati savings ko nagagamit na. Di naman ako madamot. Pero wala man lang appreciation from my partner. He's not the sweet type of guy. Nonchalant pa lagi.

And today I snapped. Long story short, I ended up telling him na ang ambag nya na nga lang eh magdrive (motor), ihatid sunod ako para naman makatipid ako sa pera at oras. Tapos labag pa sa loob nya, ayaw nya pa bumangon. Sabi nya pagod at puyat daw sya, iconsider ko din naman daw yon. Totally understandable. Pero kasi, ako din naman? Night shift ako, mid shift sya. Puyat sya dahil sa netflix, ps4 at ML. Sabi nya pa nagbibigay naman daw sya ng pera so may ambag sya. Ako din. Nagbibigay din ako, mas malaki pa sa binibigay nya yung nilalabas ko. Mas mataas sahod ko that's why. Aminado ko na di ko napigilan sarili ko sa mga nasabi ko. Napuno na talaga ko.

[A lot of things happened in between na di ko na isasama kasi hahaba na ng sobra so ito na lang kasi ito yung highlights ng galit ko]

Hanggang sa naggabi at nakauwi na ko samin. Nagsorry naman na sya. Nag uusap na kami kahit paano pero sinabi ko sa kanya na masama pa din yung loob ko sa kanya. I tried na ivideo call sya, but in another call sya. Tumawag din naman sya agad at sinabi nya kung sino kausap nya. When he said the name okay lang kasi akala ko kilala ko. After that sinubukan ko na matulog pero tinawagan ko sya ulit. In another call nanaman sya. Tumawag sya ulit sakin right after at iyon pa din daw kausap nya. Idk gut feeling? This time nag ask na ko ng screenshot. Iniisip ko kasi nung una lalaki yung ka videocall nya, turns out babae pala. Di ko kilala yung girl pero sabi nya kaclose nya daw sa previous job nya. Sobrang nabadtrip ako. Di pa kami totally okay, sinabi ko naman sa kanya na galit pa din ako, tapos biglang may kavideocall syang ibang babae? Toxic kung toxic pero if he was in my shoe, for sure mas malala yung galit nya. I stopped talking to my guy bestfriend of more than 10 yrs para lang di na nya pagselosan. Tapos sya makikipag videocall sa ibang babae habang galit ako? And instead of apologizing, sabi nya nagchichismisan lang naman daw sila, nagsorry ng isang beses tapos nag goodnight na. Sinabi ko sa kanya na suyuin naman nya ko, pero ang ending at last message nya sya na yung galit. All throughout ng relationship namin, hindi nya ko sinusuyo na tulad ng ibang lalaki sa ibang relasyon. Kapag nakapag sorry na sya ng isang beses dapat okay na kami. Madalas pa magsosorry lang yon kapag sinabi kong magsorry na sya. Other times nauuwi sa ako na yung magsosorry.

I told him na wag nya buburahin convo nila dahil gusto ko makita. I don't know any of his passwords so who knows.

Exhausted na nga sa lahat ng bagay dumagdag pa to. Minsan gusto ko na lang kunin na ko ni Lord.

EDIT: Di na po ako makareply sa inyo lahat. Di ko ineexpect na ang daming magrereply dito. Nagpost po ako dito to somehow ease yung burden na bitbit ko pero bakit para mas lumala reading your comments 💔 bawling my eyes out dahil sobrang conflicted na. But then again, thank you po internet strangers 🥹

Posted Nov 5, 2022, 7:22 PM UTC · edited

218165
Loading comments…