Lalamove

For two days na magkasunod nag-book ako ng lalamove para sa mga ipapadala ko and in both days I encountered two rude drivers. Nung una, nagagalit siya dahil malayo ang pin ko at sayang daw gas niya pero naka priority booking naman ako? kaya hindi ko maintindihan what he was on about. Ang ano pa diyan sinisigawan pa ako on the phone dahil ang dami hinihingi ng guard sa village para papasukin siya?? Ang malala pa diyan hiningan ako ng pang-gas! nagbigay nalang ako kasi nakaka drain siya kausapin sa totoo lang.

Itong pangalawa naman, today lang. Medyo mahina ang service ko ngayon dahil sa bagyo at may pinalalamove sakin na food ang friend ko. Inaabangan ko siya habang kumakain ako. Tapos nung sinabi sakin ng friend ko na andyan na lumabas na kaagad ako. Tapos paglabas ko tinanong ako ng rider kung ako daw ba si (name ko) sabi ko naman “opo” tas sinabihan ba naman ako ng “minsan sumagot sagot ka rin sa tawag ah?” GRABE. Hindi ko naman ho kasalanan na may bagyo ngayon at binigyan aki ng pagkain at wala akong signal.

Nakakalungkot lang dahil nasa customer service world sila pero sila mismo ang ganyan. Sobrang suki ako ng lalamove at ayaw na ayaw ko rin na late ako sa pagbaba sa driver dahil alam ko yung feeling na pinaghihintay. Marami rin ako nabook na sobrang babait na rider kaya nagbibigay ako ng 100 plus na tip dahil sobrang bait nila sakin. Pero grabe naman yung iba.

Posted Jul 10, 2026, 10:13 AM UTC

03
Loading comments…