Finally let it out

NO ADVICE WANTED

Ilang buwan ko nang tinitiis na may problema yung water pipe ko. Ilang buwan akong nagtitiis na bukas sara ng kuntador para lang makaligo at makapaglinis. Until I realized, enough is enough. Minsan naaapektuhan na hygiene ko kapag wala talaga akong energy na lumabas at magbukas. Dumoble rin yung bill ko dahil nasasayang lang sa leak. Kung kaya kong kumpunihin, why not diba. But I don't and my dad can.Ilang buwan nya nang alam na may problema. Ilang buwan nyang alam na nagtitiis ako sa ganong sitwasyon. When I asked for his help, nangako syang gagawin nya soon. Nagsabi pa sya ng possible date. When the time came, bigla nyang binawi at sinabing busy pa rin sya. Hindi ko na kinaya. I used to be a daddy's girl. Until shit hit the fan, nambabae sya and our family was never the same. I didn't become the person he expected me to be. He cannot come to terms with that. I told him that I'm so used to being disappointed with him. Now,l disappointed na lang ako sa sarili ko for thinking that I can depend on him. As an adult, ginagawan ko lahat ng paraan. I lived as independently as I could. Pero sa kaunting tulong na hihingiin ko, mukhang I'm still asking for too much. Kung walang magmamalasakit sakin, sige ako na lang.

Posted Aug 31, 2024, 11:56 AM UTC · locked

31

Comments aren't archived yet

This post had 1 comment on Reddit. Comments for this period haven't been loaded into the archive yet.