Gagraduate na tayo, nandito parin ako

Stranger

Kahit siguro sabihin kong tapos na at matagal na noong huli tayong nag-usap, parang lagi mo pa ring sinasagi ang isipan ko. Alam mo yung sana hindi ka na lang umalis?

​

​Naalala mo ba noong nag-uusap tayo sa biyahe ko pauwi ng probinsya? Naaalala ko pa kung gaano ka kahilig mag-skateboard at mag-drawing, to the point na yun pa nga una mong tinanong sa akin: "Marunong ka magdrawing?"

​

Ang dami kong pinangarap na gawin nating dalawa by the time na mag-college tayo.​ Hindi ko makalimutan nung tinanong mo ako kung maaalala pa ba kita pagdating ng college. Natawa pa nga ako sa'yo nun sa sinasabi mo kasi alam mo naman kung gaano ka mahalaga sa buhay ko, pero hindi ko naman alam na tuluyan nga tayong hindi na mag-uusap ngayon.

​

Malapit na tayong magtapos sa 2027, pero naiisip ko pa rin yung sinabi mo sa akin noong 2019. Kung alam ko lang talaga noon na hindi na tayo mag-uusap ngayon, sana sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sa'yo nung oras na yun. ​Sana nagsabi ka na lang ng mga nakakasakit na salita para mas madali kitang nakalimutan, pati ang pinagsamahan natin. Hindi ko alam kung makakalimutan ba talaga kita kapag grumaduate na tayo.

​

I just hope masaya ka na rin ngayon, Dawan. Hindi ko lang talaga parin matanggap na wala ka na sa buhay ko ngayon pero i know it'll be okay.

Posted Jun 22, 2026, 5:54 PM UTC

21

Comments aren't archived yet

This post had 1 comment on Reddit. Comments for this period haven't been loaded into the archive yet.