Kahit siguro sabihin kong tapos na at matagal na noong huli tayong nag-usap, parang lagi mo pa ring sinasagi ang isipan ko. Alam mo yung sana hindi ka na lang umalis?
Naalala mo ba noong nag-uusap tayo sa biyahe ko pauwi ng probinsya? Naaalala ko pa kung gaano ka kahilig mag-skateboard at mag-drawing, to the point na yun pa nga una mong tinanong sa akin: "Marunong ka magdrawing?"
Ang dami kong pinangarap na gawin nating dalawa by the time na mag-college tayo. Hindi ko makalimutan nung tinanong mo ako kung maaalala pa ba kita pagdating ng college. Natawa pa nga ako sa'yo nun sa sinasabi mo kasi alam mo naman kung gaano ka mahalaga sa buhay ko, pero hindi ko naman alam